|
Written by M. C.
|
|
Monday, 07 June 2004 03:00 |
(Para kay Antonio Zumel) argaiv1420 Paano ko bubuhayin ang alaala Ng aking kaibigan, asawa at ama ng aking anak Aking kasama, guro at mahigpit na kritik
Paano ko hahaplusin ang mga larawang Iginuhit ng aming makukulay na karanasan Sa piling ng masa
Paano ko sisimulang Buklatin ang libu-libong pahina Ng mga sulatin ng pag-ibig, pagkalinga Tampuhan at debate
Kakantahin ko ba ang kundiman ng manggagawa Sasayaw sa tugtog ng “easy to love” ni cole porter Magsisindi ng mababangong kandila at Makikinig sa malalambing na awitin Mamamasyal sa Oudegracht at uupo sa tabi ng kanal
Maaari kong gawin ang lahat ng ito Ngunit iba ang aking mararamdaman Sapagkat ang mga ito ay pandalawahan Sa panaginip muling isasakatuparan
Maaari kong Alagaan at higit na mahalin si Aya Isapuso ang mga aral natamo mula sa masa’t kasama Ipaglaban at ipagtanggol ang adhikain ng ating kilusan At isalaysay sa lahat ng gustong makinig Na may isang tulad mong natatangi Na karapat-dapat gunitain sa tuwi-tuwina. |