|
Sa aking kasama at kabiyak |
|
|
|
|
Written by M. C.
|
|
Sunday, 10 August 2003 03:00 |
(Para kay Antonio Zumel)
argaiv1330 Mahal na kasama, mahal na kabiyak Salamat sa lahat na iyong ginanap Buong puso, buong buhay kang nagsilbi sa masang anakpawis sukdulang inaapi
Sa iyong mga sulating naipalaganap Mga ideyang nagbigay rikit na liwanag Tanglaw sa daan tungo sa nagkakaisang kapatiran Na siyang magluluwal ng makataong lipunan
Inakyat mo ang matitirik na bundok Nilakad ang matitinik na patag Hinarap ang mga mabangis na kaaway Sa alinmang arenang may tapang at tatag
Hindi mo ininda anumang balakid Anumang pagsubok, anumang panganib Kahit sa sandaling katawan mo’y yayat sa sakit Interes ng mamamayan laman ng isip at dibdib
Kaya humimlay ka o aking mahal Sa panatag na lupang iyong minumutya Sa dilig ng wagas na pakikibaka Ipinunlang mga binhi’y yayabong, bubunga
Sa labi ng laksa-laksang inaba’t inapi Mamumulaklak, mamumutawi Tagumpay! Kalayaan! Katarungan! Kapayapaan! Iyong mga mithii’y isa nang katuparan. |