Manong, hindi na bago sa iyo Ang aking ibabalita: ang tagahatid ng balita Ang siya ngayong laman ng mga balita Kasunod ang Pilipinas ng Iraq Sa bilang ng mga peryodistang pinapatay Sa paggampan ng kanilang tungkulin
Bilang peryodista sa iyong panahon Sa umpisa’y sa burgis na pamamahayag At sumunod sa mga pahayagan ng rebolusyon Sinuong mo ang mga panganib Na kaakibat ng iyong tungkulin Sa paglalantad ng katotohanan Ipinaglaban mo ang mga karapatan Ng mga unyonista sa pahayagang Pinagsimulan mo bilang “printer’s devil” At ng mga peryodista sa loob at labas ng Maynila Na ginigipit ng mga warlord At pamahalaan Hindi bale kung objective o committed type Ang peryodista, wika mo, basta’t ginigipit Kailangang tulungan ng kapwa peryodista Sa rebolusyon, lubos mong inialay ang iyong buhay At pagsusulat para sa kagalingan Ng lipunan at mamamayan Nakapagpapagaan sa gawain mo Ang paggunita sa mga kabataang peryodistang Nag-alay ng buhay sa rebolusyon Hanggang ngayo’y tinutugunan mo Ang kanilang ngiti ng iyong mapagkandiling ngiti
Manong, ngayo’y wala nang inaaresto Dinidimanda sa korte o tinotortyur Objective o committed type Mang peryodista, basta’t nagsisiwalat Ng katotohanan, simula bukas Ay hindi na lalabas ang byline Nanganganib sila laluna sa probinsya At hindi lang sila Iniisa-isa rin ang lider Ng mga militanteng unyon, party list Organisasyong masa, NGO Na nakalista sa dokyung “Knowing your Enemy” Ng AFP. Nasa order of battle ng gobyerno Pati di armadong mamamayan! Ikinatuwa pa ni Palparan Nang tawagin siyang “butcher” ng Ang Bayan Kung saan mo hinasa ang iyong pagsusulat Para sa rebolusyon Sa lansangan, korte at kongreso Barbwayr at water canon ang B.P.880, CPR E.O.464 sa tangkang hadlangan Ang naghuhumiyaw na katotohanan Parusa sa bayan Ang VFA, ang MTDP, ang E-VAT Ang panukalang batas laban sa terorismo At iba pang utos ng imperyalismo Sa presidenteng papet na’y ilihitimo pa Siguro, bilang beat reporter sa Malakanyang Sa panahon ni Diosdado Macapagal “The poor boy from Lubao” kuno Nakikita mo ang isang dalaginding Na umaastang prinsesita sa palasyo Ngayo’y ilantaon na siyang nagrereyna Nang iligal sa salang pagsisinungaling Pandaraya at pagnanakaw Nagpapatuloy ang kampanyang “Oust Gloria” At patuloy pa rin ang kanyang astang astig “I’m the best person to lead,” bulastog nya Pero hindi na siya makakapagwa-“Wow!” Sa kanyang huling hirit Ang no-el at cha-cha
Isang bagay lang, Manong, ang ipapaabot ko Tungkol sa cha-cha Sa panukalang amyenda Ng mga pugita ni Ate Glue Ang praseng “kalayaan sa pamamahayag” Ay inunahan ng qualifier na “responsable” Mukhang walang sukat ipangamba Hanggang lumabas ang tanong “Responsable para kanino?” Sa umiiral na sistema, sa gobyerno ba Sa estado, o sa mamamayan? Ang mga karapatan ng mamamayang Ginagarantyahan ng konstitusyon Ay hindi maaaring unahan ng pasubali Kwalipikasyon o pagpapakitid Na kakasangkapanin ng bangkaroteng rehimen Ang tanging responsibilidad ng kalayaan Sa pamamahayag, tulad ng anupamang Kalayaan, ay para sa pagsusulong Ng katotohanan sa kagalingan Ng sambayanan Tulad ng lagi’t lagi mong iginigiit
Kaya, Manong, tulad ng sa mahal mong mga peryodistang Henry Romero, Antonio Tagamolila, Babes Calixto Nona del Rosario, Jack Pena Maging tanglaw ka sa ngayong mga peryodistang Objective o committed type Humahawi ng landas Para sa katotohanan Sa pagtatalo ng dilim at liwanag Sila’y luwal ng iyong buhay at panulat argaiv1993 [This poem was read during the poetry reading for press freedom held on Feb. 22, 2006 at the Heroes' Shrine in Quezon City. The event was sponsored by the College Editors Guild of the Philippines.] |