(Halaw kay "J") argaiv1379 Sabi ng nais manatili sa poder si Gloria Arroyo Mag-protesta sa Edsa, pagod na raw ang tao.
Ang totoo’y lansangan na lamang ang takbuhan Taumbayan wala ng bilib sa sistema at pamahalaan; Dahil sa katiwalian, kurakotan, pandayara sa eleksyon Pagkatuta sa US at paglabag sa mga karapatan.
Wala daw makapapalit kay Arroyo bilang pinuno Dahil sa ekonomiya at pamamahala siya ay eksperto.
Sa pangungurakot at pandaraya siya ang numero uno Batas na kotra mamamayan siya ang nagpasimuno Sa dayuhan ay ipinaubaya likas na yaman ng bansa Inilubog sa utang ang masa at binaboy ang ekonomiya.
Kapag siya’y bumaba, papalit ang isang military junta Ito ba ang gusto nyo? Tanong ng kanyang mga tuta.
Nasusuka na sa pamamahala ang makabayang militar Dahil sa pangungurakot ng mga Heneral at Opisyal, Ginagamit pa ni Gloria para supilin ang mamamayan Kayat sila’y lalahok sa lumalakas na tinig ng taumbayan.
Dahil sa “destabilizer” gumegewang ang ekonomiya Hindi makapamahala dahil sa ibat-ibang banta sa bansa.
Krisis na sanhi ng bulok na sistema ng pamamahala Isinisisi sa taumbayan na mismong biktima ng kahirapan, Imperialismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo Pilit na pinagtatakpan bilang ugat ng kahirapan.
Rally ng anti-Arroyo, di kayang patalsikin sa pwesyo Mahal daw ng Mamamayan ang Pangulong ibinoto.
One million vote margin pangako ni Garcillano Nakolekta na si Mike, Mikey at Iggy ang jueteng money Kurakot sa GSIS, PCSO, Macapagal Blvd at PIATCO; Taumbayan ang magpapasya sa pagbagsak si Arroyo,
Obispo ng Romano Katoliko, suportado raw si Arroyo Hindi daw nanawagan na manaog na siya sa pwesto.
Pinalalabo ang katotohanan sa paninindigan ng simbahan Ng mga “spin doctor” ni Gloria at ng bulok na pamahalaan, Obispo ay tumalima sa panawagan ng malawak ng bayan Resign Arroyo, imbestigahan, at ng hustisya ay makamtan.
Gubyerno niya ay suportado raw ni Hen. Fidel Ramos Katulong si Jose de Venecia at ang Kongreso niya.
Ang dalawang ito ay numero-unong opurtunista, Ngayon si Tabako, naghahari-harian na sa Malacanang May I dance cha-cha with you may dear lady protégé, Pagkatapos kong maging Prime Minister, goodbye Glory!
Ayaw na raw ng mass actions nitong oposisyon Impeachment na lang ang prosesong nais daanan.
Gusto nilang mag-moro-moro kahit hindi byernes santo Kanilang kaharian at palaruan, itong loob ng kongreso, Subalit makabayang politiko nasa kalye kasama ng masa At nagsasabing protesta di impeachment ang mapagpasya.
Lulusob daw ang maka-kaliwang rebeldeng grupo Upang sumali sa mga rally sa maynila at manggulo, Kumikilos na daw upang magpatalsik ng Pangulo.
Laban ng lahat ng aping mamamayan ang labang ito Sa proseso, lalakas ang kilusang pambansa demokratiko At sa hinaharap ang naghaharing sistema ang yuyuko! [Ron is a filmmaker and is connected with independent film outfit Kodao.] |